Add parallel Print Page Options

Ang kaniyang kayamanan.

14 (A)At si Salomon ay nagpisan ng mga karo at mga mangangabayo: at siya'y mayroong (B)isang libo at apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa (C)bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.

15 At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem, at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.

16 At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto; ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap sa kanila ng mga kawan, na bawa't kawan ay sa halaga.

Read full chapter